Kagagaling ko lang sa Duty...Sa UDMC Emergency Room ako ngayon, at as usual, toxic nanaman ako. Ang daming pasyente, may bata, babaeng muslim, mataba at matanda.

Nung una okay okay pa ang atmosphere sa ER, ng napalabas ako buhat sa Mini OR ng biglang...."Ruhhhh...Warhhhhh" shet.... Cardiac arrest is that you?! nope...a diabetic patient on bed of surgery suddenly vomitts badly...

"Uy babae" sabi ko, migraine naman ang drama nya, so never mind hindi ko siya bed, surgery bed ako eh...

Back to my patient, the doctor told me to regulate her IVF, due to my inconsistent mind, the 20 drops per minute order, becomes 5 drops per minute. I have a hard time to regulate so, Call a Friend!!!

"Tanga, .5cc ang sabi sayo na iregulate mo, kompyutin mo pa yan, tingan m kung ano"

"20gtts" okay....mali ako... so, ginawa kong 20, wala naman kasing 5gtts..hahaha..

Eto na, isang matandang comatose ang sinugod, cardiac arrest? conscious?unconscious?OPD?

my God!!!! matandang nag aagaw buhay dahil sa matagal na pala siyang comatose, 3 days na ciang ndi nagsasalita, hindi pa dinala sa Hospital, yan tuloy pahirapan...

"DNR" term used for unconscious patients, means "DO NOT RESUCITATE", ang bigat sa loob, pasukan palang ng tube for intubation, napaka hirap ng tingnan, pasukan pa ng Naso Gastric Tube, ramdam na ramdam ko ang pakiramdam ni LOLA, gusto nyang umaray pero ndi nya magawa, ndi cia makakilos pero alam kong nakakarinig cia.

"Lola Felicidad!!!!" ang sigaw ng duktor, "Galawin mo kamay mo, hawakan mo kamay ko!!!"

Wala paren

"DOPAMINE!!!" umaalingasaw na boses ng duktor!

158bpm, tachycardia

Hindi ko kayang titigan si lola, awang awa ako sa kanya, sabay tulo ng luha sa mata nya, senyales na nakakaramdam cia ng sakit.

Pinapipirma sila ng kasunduan na DNR ang gagawin sa pasyente pag nag arrest, nag decide sila (relatives) na i-ICU si LOLA. Pero malabo pa siyang maka rekober, COmatose for almost 1 year,2 consecutive arrest, pero sino ba ako para mag desisyon.

Currently feeling: restless
Posted by Atheist on November 24, 2005 at 09:56 PM | 1 comments

"Napaka-gaga mo..." yan ang narinig ko buhat sa isang babaeng galit na galit sa kaharap niyang tao.

"Buti ka nga waffle ang kinain mo..." ang dagdag pa niya

"Wag ka ng hihirit pa at baka gusto mong sungalngalin ko yang bunganga mo", wow! ate! mukhang may katabi ka, na nakakarinig sa sinasabi mo, sana mahiya ka naman...ewan ko ba sa kanila kung bakit sila nag aaway, wala naman akong paki dun pero nasa isang sasakyan kami, at pang publiko iyon, rinig na rinig kaya siya ng lahat ng nanduon, bigyan naman nya sana ng kahihiyan yung pinagsasalitaan nya...

"Tarantado ka!" napapikit ako sa sakit ng sinabi nya! ang LUTONG, kasing lutong ng chicharon, may kaakibat pang "Sasakalin tlga kita pag dating natin sa bahay", "Buti nga pinag FX pa kita, ang kapal ng pagmumukha mo"

Mula cubao hanggang mindanao avenue sa QC ay talak cia ng talak, naiinis na ako kasi katabi pa niya ako at may kaharap pa siyang bata na nakakaintindi at nakakarinig ng pinag sasasabi niya.

"Ewan ko ba sayo" sabay pahid ng luha ng babae

"Wag mo kong iiyakan, tutusukin ko yang mata mo" ang sabi niya

"Sinusumbat mo pa sakin  yun" banat niya

"Hindi naman kita susumbatan kung  hindi ka mareklamo eh"

"Sasagot ka pa"

 

"PARA!!!!" ang inis na sabi ko sa drayber.

Sana sa bahay nalang nila ginawa ang pag aaway na yun, feeling ko, bago pa man din yung makarating ng novaliches eh nagsakalan na yun dun, kasi sobrang ma talak nung isa, parang ewan...

:Share ko lang:

Currently listening to: Only Time
Currently feeling: nervous
Posted by Atheist on November 19, 2005 at 05:41 PM | 3 comments
anong magandang theme ang ppwede sa kasalukuyang panahon para sa larangan ng edukasyon at karunungan...ikauunlad ng bayan at ng bawat isa... help...
English...
Posted by Atheist on January 22, 2005 at 01:55 PM | roasted peanut(s)
Hey! nandito nanaman ako...dami ko ng ginawa eh, dami na rin nangyari, well eto ako nasa computer shop dahil ang dakila kong PC e nagpapapansin. Anniversary ng School ko kaya ang saya, walang pasok dahil ang mga prof e nagkakasiyahan. Dapat pupunta ako sa ABS-CBN para manuod ng MTB pero naalala ko na may pasok pala ako, B.I kasi mga kaklase ko, maisipan oo!

Dumating na MOM ko from California, so many kwento ang nangyari, natapos ko na rin ang Driving Lesson ko sa wakas, tinamad kasi ako kaya binalak kong ndi nalang ituloi, apply na ako for non-prof license.

Magiging busy ako sa magdadaang mga araw kaya mukhang matatagalan nanaman ako sa pag bisita.

Tulong naman mga ka-Blog, san ba ang pinaka romantic place para sa isang date? yung ndi maingay. around QC & MM lang... salamat... hanggang sa Susunod..
Currently feeling: busy
Posted by Atheist on January 14, 2005 at 10:24 AM | 4 comments
As of 10:38 pm, lumindol!!!! kala ko may naglalakad sa likod ko! baba agad ako! Fuck na lindol yan!
Posted by Atheist on October 8, 2004 at 10:40 PM | 1 comments
« Newer · »